Posibleng ibaba na sa General Community Quarantine (GCQ) with relaxed restrictions ang NCR Plus matapos ang Hunyo 15.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bumubuti na ang sitwasyon ng COVID-19 sa NCR Plus kabilang na ang “very low” hospital care utilization rate.
“Binabanatayan pa po naitn yan, for Metro Manila, the numbers are looking good. The hospital care utilization remains very low, we’re at 53 percent in ICU beds which is isa sa mga importanteng factor for escalation. So I would say in fact that based on the figures, Metro Manila Plus might be looking at a de-escalation. It might not be to MGCQ [modified GCQ] but it could be ordinary GCQ because ang GCQ po natin ngayon ay meron pang mga restriction.”
Ang NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna ay nananatili sa ilalim ng GCQ with restrictions hanggang June 15.