Malaki ang posibilidad na maisailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang National Capital Region sa Pasko.
Ito ay kung mapapanatili ng Metro Manila ang pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Prof. Ranjit Rye ng University of the Philippines – OCTA Research Team, dapat na maging target ang pagpapaluwag sa quarantine level sa NCR pagsapit ng kapaskuhan para kahit papano ay maipagdiwang ito ng normal.
Pero aniya, hindi dapat madaliin ang pagpapaluwag sa community quarantine sa NCR.
Sa ngayon ay may nakikita namang pagbaba sa bilang ng kaso ng COVID-19 pero hindi pa ito masasabing permanente kaya hindi pa rin dapat magpabaya ang mga tao.
Facebook Comments