NCR, posibleng luwagan na ang restrictions sakaling umabot sa halos kalahati ng populasyon ang fully vaccinated na

Posibleng luwagan na ang restrictions na ipinatutupad sa Metro Manila kung kalahati na ng populasyon ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Ito ang inihayag ng OCTA Research Group kung saan makabubuti umanong hintayin munang umabot sa 20 hanggang 40 percent ng populasyon ng NCR ang nabakunahan na.

Una rito, sinabi ng OCTA na nananatiling nasa moderate risk ng COVID-19 ang Pilipinas dahil sa ibang rehiyon na mataas pa rin ang mga naiitalang kaso.


Sa ngayon, nasa 1,467,119 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa bansa kung saan 1,391,335 ang gumaling na at 25,816 naman ang binawian ng buhay.

Facebook Comments