Nagbabala ang OCTA Research Group na posibleng umakyat sa 500 hanggang 1,000 ang maitatalang kaso ng COVID-19 kada araw sa Metro Manila sa katapusan ng Hunyo o unang linggo ng Hulyo.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, kapag nangyari ito ay posibleng umakyat sa “moderate risk” classification ang National Capital Region (NCR).
Sa kasalukuyan ay umakyat na sa 72% ang growth rate ng COVID-19 sa NCR ngunit nananatili namang mababa ang hospitalization rate nito sa 22%.
Gayunpaman ay naniniwala si David na maayos pa rin ang sitwasyon sa rehiyon at hindi inaasahang tataas ang healthcare utilization rate subalit kailangan pa rin itong tutukan para sa pagtatakda ng alert level status.
Facebook Comments