NCR, posibleng nasa ‘moderate risk’ na lamang ng COVID-19 sa susunod na linggo

Posibleng maibaba na sa “moderate risk” COVID-19 classification ang National Capital Region sa susunod na linggo.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, malaking improvement ito para sa NCR na noong nakaraang linggo lamang ay inilagay “severe outbreak” dahil sa mabilis na pagsipa ng COVID-19 cases bunsod ng Omicron variant.

Batay aniya sa datos ng Department of Health (DOH), mula sa 15,782 na seven-day average cases na naitala noong January 12 hanggang 18 ay bumaba na ito sa 6,280 mula January 19 hanggang 25 .


Bumaba rin sa 44 ang one-week average daily attack rate (ADAR) mula sa dating 111.

At ngayong araw, bumulusok pa sa 0.71 ang reproduction rate sa NCR na nanganghulugang mabagal na ang pagkalat ng virus.

Kaugnay nito, bukas ay magpupulong ang mga alkalde sa Metro Manila para pag-usapan ang posibleng pagluluwag ng alert level sa rehiyon.

Facebook Comments