Itinuturing bilang “prime candidate” sa pagbabalik ng face-to-face classes sa tertiary level ang Metro Manila.
Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Popoy de Vera, mas malaki ang posibilidad na maibalik ang face-to-face learning sa isang lugar na may mataas na vaccination rate gaya ng NCR.
Kaugnay nito, pinag-aaralan na ng ahensya ang posibilidad na payagan ang Higher Education Institutions (HEIs) na makapagsagawa ng in-person classes sa lahat ng degree programs oras na aprubahan ito ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Aapela rin ang CHED sa IATF na palawigin ang limited in-person classes sa iba pang degree programs.
Nabatid na nasa 180 unibersidad at kolehiyo sa buong bansa ang pinayagang magsagawa ng limited face-to-face classes na nag-aalok ng hindi bababa sa 300 degree programs kabilang ang medicine.