NCR Regional Wage Board, nagpaliwanag sa pagbasura sa Wage Hike Petition

Nagpaliwanag ang National Capital Region (NCR) Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa hindi pag-aksyon sa petisyon ng labor group na humihiling ng across the board wage increase.

Ipinaliwanag ni Department of Labor and Employment (DOLE) NCR Director at NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board Dir. Sarah Mirasol, wala sa mandato ng regional wage board ang pagtalakay sa nasabing petisyon

Maliban na lamang aniya kung ang petisyon ay humihiling ng minimum wage increase.


May jurisprudence na aniya sa Korte Suprema hinggil sa usapin ng across the board wage increase kung saan nakasaad dito na wala ito sa hurisdiksyon ng National at Regional Tripartite Wages and Productivity Board.

Nasa kapangyarihan aniya ng Kongreso ang pag-apruba ng across the board wage increase.

Facebook Comments