NCR tiniyak na ligtas – AFP

Manila, Philippines – Inalis ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pangamba ng publiko matapos ilipat ng kulungan sa Camp Bagong Diwa ang ama ng Maute brothers na si Cayamora Maute.

Sa Mindanao hour sa Malakanyang – sinabi ni AFP Spokesman B/Gen. Restituto Padilla – may basehan kayat’ inilipat sa Metro Manila ang ama ng Maute brothers.

Ayon sa opisyal – ligtas ang National Capital Region at walang dapat ikatakot ang publiko kung saan kailangan lamang magtiwala ng publiko sa ating mga otoridad.


DZXL558

Facebook Comments