Nasa “very low risk” na ng COVID-19 ang National Capital Region.
Batay sa inilabas na datos ng OCTA Research Group, mula November 26 hanggang December 2, 2021 ay nasa 138 na lamang ang average new cases per day sa NCR na mas mababa kumpara sa 416 na naitala sa kaparehong panahon noong 2020.
Bumaba na rin sa 0.36 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa rehiyon habang nasa 1.2% na lamang ang positivity rate.
Sa ngayon, nasa 21% na lamang ang hospital bed occupancy rate sa Metro Manila habang kung saan 1,791 na kama na lamang sa mga iba’t ibang ospital ang okupado ng mga pasyenteng may COVID-19.
Habang ang ICU bed occupancy rate ay 27% na lang.
Facebook Comments