NCRPO, aalalay rin sa mga maapektuhang pasahero sa ilang pangunahing kalsada at ruta dahil sa tigil-pasada bukas

Magpapakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng kanilang mga personnel para umalalay sa mga pasaherong maapektuhan ng tigil pasada bukas at sa mga susunod na araw.

Ayon sa pamunuan ng NCRPO, tutulong sila sakaling may mga stranded at nangangailangan ng masasakyan patungo sa kanilang mga trabaho at pasok sa paaralan.

Bukas kasi ay kasado na ang tigil-pasada na ikinasa ng Transport Group na Manibela.

Samantala, bukod sa pag-alalay sa mga pasahero, tiniyak din ng NCRPO na magbabantay sila para masiguro ang kaligtasan ng publiko maging ang mga nagsasagawa ng pagkilos.

Facebook Comments