NCRPO, binigyan ng 294 na pulis mula sa National Headquarters bilang augmentation nito

Inihayag ng National Capital Region Police Office o NCRPO na ibinaba na sa kanila ang 294 na mga pulis mula sa National Headquarters bilang karagdagan police force ng NCRPO.

Ayon kay NCRPO Director Police Major Gen. Sebold Sinas, ang nasabing bilang ay mga miyembro ng National Standby Support Force (NSSF) na inilipat sa NCRPO Regional Mobile Force Battalion.

Iginiit ni Sinas na hindi nagkukulang ng mga pulis ang NCRPO.


Layunin lang aniya nito na mabigyan ng sapat na pahinga ang mga miyembro ng District Mobile Force Battalion na naka-deploy sa iba’t ibang quarantine checkpoint na sakop ng NCRPO.

Dahil aniya halos 48 days nang tuluy-tuloy na nagtatrabaho ang mga ito sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.

Muli naman nanawagan si Sinas na publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na panuntunan ng gobyerno kaugnay sa ECQ upang hindi na ito muling i-extend at matapos na ito sa May 15.

Facebook Comments