Inilunsad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang hostage negotiation training na ginanap sa Camp Karingal, Sikatuna Village, Quezon City.
Dinaluhan ito ng 58 kinatawan mula sa Northern Police District, Eastern Police District, Manila Police District, Southern Police District at Quezon City Police District.
Ayon kay NCRPO Director Police Major General Debold Sinas, ang nabanggit na training ay panimula ng planong pagbuo ng dalawang hostage negotiation team sa bawat police district.
Sa training ay tinalakay ng mabuti ang mga epektibong technique na kailangan sa pagtugon sa hostage crisis situations.
Ayon kay Sinas, layunin ng pagbuo ng negotiation team na mapabilis ang pagresolba sa mga hostage taking situation at epektibong mapamahalaan ang crisis management issues sa Metro Manila.
Diin ni Sinas, mahalagang mapagtagumpayan ng mga otoridad ang mga hostage crisis situation kung saan ang mga suspek ay hindi lang basta lumalabag sa batas kung hindi mentally, psychologically o emotionally challenged din.