NCRPO Chief Debold Sinas at iba pang police officials, may pananagutan sa nangyaring mañanita

Posibleng may pananagutan si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Major General Debold Sinas at iba pang opisyal sa kontrobersyal na birthday party sa gitna ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Bago ito, sinabi ng Malacañang na posibleng maharap sa kasong kriminal laban kay Sinas at iba pang dumalo sa kanyang mañanita.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Archie Francisco Gamboa, inaasahang matatanggap nila ang kumpletong investigation report ngayong araw.


Ang Internal Affairs Service ang nanguna sa imbestigasyon para matiyak ang “impartiality” habang ang mga kasong administratibo ay ipapasa sa Office of the President para sa approval.

Sinabi ni Gamboa na hahayaan muna nilang gumulong ang imbestigasyon.

Binigyang diin ng PNP Chief na bagama’t isolated ang nangyari, hindi pa rin maaaring isaalang-alang ang buhay ng mga frontliners.

Una nang humingi ng paumanhin si Sinas sa nangyari pero tumanggi siyang mag-avail ng leave of absence sa gitna ng imbestigasyon.

Facebook Comments