NCRPO Chief, iginiit na walang profiling sa mga nagtatayo ng community pantry

Inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Major General Vicente Danao Jr. na wala siyang utos na magsawaga ang mga pulis ng profiling sa mga community pantry organizer.

Ito’y matapos magkaroon ng isyu ang ilang organizers ng community pantry sa Pandacan at Maginhawa, Quezon City sa ilang mga pulis.

Igiinit ni Danao na wala pang nakakarating sa kanyang tanggapan ukol dito pero kung meron man, maaaring ipag-utos niya ang imbestigasyon kaugnay sa umano’y profiling.


Pahayag pa ni Danao na ang NCRPO ay may kahalintulad din na proyekto, ito ay ang NRCPO Kaagapay, kaya naman wala aniya mali sa pagtatayo ng community pantry, bagkus aniya supportado pa niya ito.

Facebook Comments