Manila, Philippines – Posibleng isang organized crime group ang nasa likod ng brutal na pagpaslang sa 14 na taong gulang na si Reynaldo de Guzman na natagpuang palutang lutang sa isang creek sa Nueva Ecija.
Ayon kay National Capital Region Police Office Chief Regional Director Oscar Albayalde isa ito sa tinitignan nilang nasa likod ng pagpatay sa sinasabing kasama ni Carl Angelo Arnaiz nang sila ay mawala nung nakalipas na buwan.
Dagdag pa ni Albayalde, hindi din nila isinasantabi ang anggulong mga pulis ang nasa likod sa pagptay sa biktima
Paliwanag nito baka maraming nalalaman si De Guzman hinggil sa nangyaring pagpatay kay Arnaiz kung kaya’t isinunod agad itong patumbahin.
Sa ngayon, patuloy ang ginagawa nilang pakikipag ugnayan sa mga magulang ni De Guzman.
Sinabi ni Albayalde na aminado naman ang mga magulang nito na palaging lumalabas ng dis oras ng gabi ang kanilang anak pero, itinangging sangkot ito sa anumang uri ng krimen at hindi rin anila ito gumagamit ng ilega na droga.