NCRPO, duda sa listahan ng barangay officials ng drug personalities sa kanikanilang nasasakupan

Manila, Philippines – Nangangapa ngayon ang National Capital Region Police Office sa level ng barangay officials kaugnay ng kanilang kampanya kontra iligal na droga.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde,may cover up kasing nangyayari sa hanay ng barangay officials sa Metro Manila.

Aniya,hindi makatotohanan ang listahan ng drug personalities na binibigay sa kanila ng ilang opisyal ng barangay sa Kalakhang Maynila.


Sa kabilang dako, sinabi ni Albayalde na kuntento naman siya sa suporta ng Metro Manila Mayors sa kampanya kontra droga.

Facebook Comments