Nilinaw ni NCRPO Chief PB. General Debold Sinas na hindi nila ipinagkakait sa mga deboto ang Poong Itim na Nazareno dahil sa ipinatupad nilang pagbabawal sa pagsampa sa Andas.
Sa pulong balitaan sa NCRPO satellite office as QCPD station 10, Sinabi ni Sinas na pinapayagan pa naman nila ang pagsampa sa Andas. Pero sa likurang bahagi na lamang.
Ani Sinas, layon lamang ng bagong sistema na masiguro na walang tulakan o sakitang mangyayari habang umuusad ang Andas sa mga daraanang ruta sa panahon ng prusisyon.
Ganito rin aniya ang ginamit nilang formula sa Sinulog activity noong maitalaga siya sa Cebu City.
Epektibo ani Sinas ang papel ng mga opisyal ng Barangay sa pagkontrol sa kanilang mga nasasakupang deboto.
Batay aniya sa resulta ng diyalogo niya sa mga taong Simbahan, pumayag sila na may pari at madre na sasama at mangunguna sa prusisyon.
Sa pamamagitan nito mas mangingibabaw ang prayerful mood sa halip na mala “hala- bira” na aktibidad.