Gigibain ng NCRPO ang lahat ng mga police community precincts sa Metro Manila na nakatayo sa hindi tamang lugar.
Sinabi ito ni NCRPO Director Major Gen. Guillermo Eleazar matapos na samahan si PNP Chief Police General Oscar Albayalde at San Juan Mayor Francis Zamora sa pagwasak sa police community Precinct 6 sa West crame na halos nakatayo na sa kalsada
Ginawa nila ito batay na rin sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang lahat ng mga iligal na istraktura sa mga sidewalk sa Metro Manila para makatulong sa maayos na daloy ng trapiko.
Ayon kay Eleazar, iniimbentaryo na nila ang lahat ng mga police community precincts na apektado ng kautusan ng Pangulo at nakikipaguganyan na sa mga concerned Local Government Units para sa paglilipatan ng mga ito.
Sa ngayon, ang PNP na ang mismong nanguna sa pagwasak sa kanilang mga sariling police station na nasa iligal na lugar.