Manila, Philippines – Nakahanda na ang National Capital Region Police Office para sa mga kilos protesta na gaganapin sa Metro Manila sa darating na ika-45 anibersaryo ng martial law sa September 21.
Ayon kay NCRPO Chief Director General Oscar Albayalde, sapat na ang bilang ng kanyang mga tauhang ipapakalat sa Kamaynilaan.
Sa ngayon, inaalam din nila kung gaano karami ang sasali sa rally para malaman kung kinakailangan nilang magdagdag pa ng puwersa.
Una rito, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng suspendihin niya ang pasok sa mga eskwelahan at government offices dahil sa posibleng malawakang protesta sa nasabing araw.
Facebook Comments