Mahigit 11,000 pulis ang ipapakalat sa Metro Manila upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa darating na Mahal na Araw.
Sa pahayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO), aarangkada ang kanilang deployment sa Holy Monday, March 25.
Nais ng NCRPO na paigtingin ang presensya ng mga pulis sa Metro Manila para matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero sa pagsisimula ng bakasyon.
Makipag-ugnayan rin ang NCRPO sa local government units, iba pang law enforcement agencies at sa pribadong sektor upang makalikha ng “comprehensive security framework” para sa mas maayos na pagbabantay ngayong Semana Santa.
Magpapatupad din ng traffic management strategies ang NCRPO upang tugunan ang inaasahang pagsikip sa daloy ng trapiko habanv magtatagalaga rin ng mga tauhan sa kritikal na traffic points at maglalagay din ng police assistance desks.