NCRPO, handang magdagdag ng tauhan sa mga hotel para masigurong nasusunod ang COVID-19 requirements

Handa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na magbigay ng karagdagang seguridad sa mga hotel kung kinakailangan.

Ito ang tiniyak ni NCRPO Chief Police Major General Vicente Danao Jr., matapos na umano’y gamitin ng isang Pinay ang koneksyon niya para hindi sumailalim sa five-day quarantine sa isang hotel sa Makati City.

Ayon kay Danao, may mga hotel na mayroon nang in-house security para masigurong nasusunod ang COVID-19 requirements.


Pero handa rin naman aniya ang kapulisan na magdagdag ng tauhan sa mga hotel kung kailangan at depende sa sitwasyon.

Kasabay nito, umapela ang NCRPO chief sa publiko na maging disiplinado at sumunod sa COVID-19 safety protocols lalo’t dumarami na naman ang tinatamaan ng virus.

Samantala, iniimbestigahan na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang insidente ng hindi pagsunod ng ng returning overseas Filipino mula Amerika sa kanyang hotel quarantine at sa halip ay naki-party sa isang bar sa Makati.

Habang iniimbestigahan na rin ng Department of Tourism ang naging paglabag ng Berjaya Makati Hotel.

Facebook Comments