NCRPO, hindi magpapakampante kasunod ng kambal na pagsabog sa Cotabato City

Nanindigan ang National Capital Region Police (NCRPO) na hindi sila magpapakampante kasunod ng kambal na pagsabog sa isang simbahan sa Jolo, Sulu.

Nabatid na itinaas na sa full alert status ang Metro Manila dahil sa insidente.

Sa interview ng RMN Manila kay NCRPO Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar – ginagawa ito ng pambansang pulisya bilang precautionary measure upang maiwasan ang “spill-over” o pagkalat ng karahasan sa iba pang bahagi ng bansa.


Sa ilalim ng full alert, magiging maigting ang pagpapatrolya at presensya ng mga pulis sa mga matataong lugar.

Palalakasin din aniya ang mga police checkpoints.

Tiniyak din ng NCRPO na palaging updated ang kanilang intelligence.

Nanawagan ang NCRPO sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang hindi manaig ang karasahan at terorismo.

Facebook Comments