NCRPO, hinimok ang mga magpoprotesta sa araw ng SONA na iwasang magdala ng bag at magsuot ng jacket

Hinimok ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga pro at anti-government protesters na iwasang magbitbit ng bag at magsuot ng jacket kapag nagsagawa na sila ng kanilang rally sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo.

Pero nilinaw ni NCRPO Chief, Major General Guillermo Eleazar na hindi ipinagbabawal ang pagdadala ng bag at pagsuot ng jacket.

Ito aniya ay kanilang apela bilang bahagi ng security measures para matiyak ang mapayapa at maayos na pagdaos ng kilos protesta.


Matatandaang nasa 15,000 pulis at force multipliers ang magbabantay ng seguridad sa Metro Manila lalo na sa Batasang Pambansa kung saan gaganapin ang SONA.

Facebook Comments