NCRPO, humiling ng panalangin sa publiko para sa ikakapayapa ng ASEAN Summit

Manila, Philippines – Nanalangin ang pamunuan ng National Capital Region Police Office para sa ikakapayapa ng gaganaping ASEAN Summit sa bansa.

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde importante na magkaroon ng gabay sa panginoon ang gaganaping pandaigdigang pagtitipon upang maging mapayapa ito.

Hindi aniya sapat, ang paghahanda lamang ng Philippine National police at iba pang ahensya ng pamahalaan sa gaganaping summit.


Mahalaga aniya sa paghahanda ay may kalakip na pagdarasal.

Paalala din ni Albayalde sa mga pulis na nakadeploy ngayong ASEAN Summit isaisip at gawin ang kahalagahan ng teamwork, kooperasyon, sakripisyo, pag-alerto,pagkukusa at ipatupad ang maximum tolerance

Nanawagan din si Albayalde sa publiko na tulungan silang magdasal sa ikakapayapa ng ASEAN summit at makipagtulungan sa mga awtoridad kung may mga bagay o taong kahina hinalang may gagawin gulo upang agad itong mapigilan.

Facebook Comments