NCRPO, iginiit na hindi planted ang natagpuang bomba sa bahay ni Arnold Padilla

Manila, Philippines – Hindi ‘planted’

Ito ang iginiit ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar hinggil sa mga bombang nakita sa bahay ni Arnold Padilla, ang lalaking nasa viral video na nakikipag-away sa mga traffic enforcers.

Nabatid kasi na unang inakusahan ang mga pulis na inilagay ang mga nasabing bomba sa bahay ni Padilla nang magsilbi sila ng search warrant na inisyu ng Makati City Regional Trial Court sa dalawang residential properties nito.


Ayon kay Eleazar merong mga testigo na magpapatunay dito kung saan ang nasabing raid ay nakita ng mga security guard, mga opisyal ng barangay at maging mga miyembro ng media.

Dahil dito, nahaharap ngayon sa kasong illegal possession of firearms at illegal possession of explosives si Padilla.

Facebook Comments