
Ipupulong ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang pamunuan ng mga bangko, remittance center, at iba pang financial institution.
Ayon sa NCRPO, maging ang mga security agency ay kanilang ipatatawag kasunod na rin ng nangyaring pangho-holdap sa isang bangko sa Taguig City.
Batay sa imbestigasyon, sinubukang tangayin ng suspek ang nasa mahigit na P7.4 milyong piso matapos na utusan naman ang isang loan processor na ilagay ang pera sa isang bag.
Mahaharap ang suspek sa kasong robbery hold up, paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition na may kaugnayan sa Election Gun Ban, at Serious Illegal Detention.
Samantala, under investigation naman ang mga guard at sinuspinde na rin ang security agency ng bangko dahil na rin sa sinisilip na angulong inside job ang umano’y nangyari.









