NCRPO, ikinatuwa ang donasyon ng Makati City Government na mga armas mula sa bansang Israel

Ikinagalak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Major Gen. Debold Sinas ang mga sangkaterbang mga armas mula sa bansang Israel na donasyon ng Makati City Government na kauna-unahang Local Government Unit (LGU) sa bansa na nagdonate ng isang dekalidad na armas mula sa Israeli Govenment sa mga local police.

Ayon kay Sinas, ang Makati Police Department lamang sa Metro Manila na mayroong armas mula sa Israel, ang bansang kilala na gumagawa ng mga dekalidad na rifles.

Pinangunahan kamakailan ni Makati City Mayor Abby Binay ang distribusyon ng mga bagong armas sa mga opisyal ng Makati Police Department para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod lalo ngayong panahon ng pandemya.


Dagdag pa ni Sinas na kabilang sa mga armas na donasyon ng Makati LGU ay ang 100 units ng Tavor assault rifle, 100 units ng Galil assault rifle, at 3 units ng Galil sniper rifle.

Bukod sa mga armas, ang city government ay nagdonate rin ng 70 units ng Meprolight Red Dot Reflex Sight Model, 45 units ng KDS Tactical Gas Mask, 35 units ng Meprolight Night Vision Scope Model, at dalawang units ng Dillon Precision.

Sinabi naman ni Mayor Binay na kukuha siya ng mga eksperto mula sa Israel upang magsanay sa mga local police officers at humasa ang kanilang kapabilidad sa pagsugpo sa mga krimen sa lungsod.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng September, ang Makati City Government ay nagbigay rin ng donasyon na 3,571 pares ng patrol shoes, 3,390 pares ng combat shoes, 2,142 mga posas, 1,488 holsters with rig, 1,339 belts, 1,116 PNP bull caps, at 691 sets of athletic uniforms para sa Makati Police Department.

Hinikayat ni Mayor Binay ang publiko na sumunod sa mga polisiya o patakaran ng gobyerno at ireport sa mga pulis ang mga kahinahinalang indibidwal sa kanilang lugar upang agad na mabigyan ng kaukulang aksyon.

Facebook Comments