Inutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar sa lahat ng unit ng police sa Metro Manila ang mas mahigpit na pagpapatupad ng pinaikling curfew hours.
Ayon kay Eleazar, paiigtingin pa rin nila ang police visibility mula alas-dose ng hatinggabi (12mn) hanggang alas-kuwatro ng umaga (4am).
Ito kasi aniya ang mga oras kung saan inaasahan nilang mas darami pa ang lalabas para pumunta sa mga restaurant at iba pang mga establisyemento.
Bilin din ni PNP Chief sa mga tauhan sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng baragay na naatasan ding maghigpit sa ipinatutupad na curfew.
Umapela at nagpapaalala naman si Eleazar sa publiko na sundin ang bagong curfew hours at huwag nang lumabas ng bahay pagsapit ng hatinggabi.