NCRPO, inilunsad ang 4-minute Exercise Program

Pormal na inilunsad ngayong umaga ang 4-minute Exercise Program ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Kasabay ng flag raising ceremony sa NCRPO Grandstand Camp Bagong Diwa Bicutan Taguig City pasado alas-6:30 ngayong umaga, isinagawa ang demonstration ng mga exercise na dapat gawin sa loob ng apat na minuto.

Ayon kay NCRPO Chief PMGen. Debold Sinas, nagbaba siya ng kautusan upang maipatupad ang nasabing programa mula sa NCRPO hanggang sa mga sub-station ng NCR.


Layunin aniya na mapalakas ang immune system ng mga pulis ng NCRPO dahil ito lang muna ang magagawa nila upang labanan ang sakit na COVID-19.

Maliban dito, mapapabuti pa aniya ang mga kalusugan ng mga pulis at maging fit upang makapagtrabaho nang maayos at magampanan ang kanilang responsibiladad bilang mga tagapagtaguyod ng peace and order.

Sa talumpati ni Sinas, ginawa pa niyang halimbawa ang kaniyang sarili, aniya, sa kaniyang pag e-ehersisyo at pagkain nang tama ay nabawasan na ang kaniyang timbang ng 35 pounds o 17 kilos at 4 inches naman sa kaniyang waist line.

Umaasa naman siya na masusunod ito ng lahat ng pulis na sakop ng NCRPO.

Facebook Comments