NCRPO, inilunsad ang virtual seminar para sa kabataan laban sa iligal na droga at terorismo

Pinangunahan ni National Capital Region Police Office o NCRPO Chief P/Maj. Gen. Vicente Danao Jr. ang paglunsad ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT program na ginawa kahapon sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, sa lungsod ng Taguig.

Ayon kay Danao, sa pamamagitan ng virtual seminar dumalo ang 130 na kabataan kasama na ang SK Chairman, SK Councilors, at KKDAT Officers at members.

Sa kanyang talumpati, sinabi nito na sa mga kabataan na bilang ama ng NCRPO, hindi niya pahihintulutan na patuloy na sirain ang buhay ng mga itinturing na pag-asa sa pag-unlad ng bayan.


Aniya, layunin ng nasabing programa na maibsan ang terrorism at local conflicts at upang mapalawak ang kaalaman at pag-unawa ng mga kabataan kaugnay sa kanilang mahalagang tungkulin sa kumunidad.

Naniniwala ni Danao na sa kabila ng mga pagsubok, nanatili at mananatiling pag-asa ng kinabukasan ang mga batang bayani ng ating bansa.

Facebook Comments