Halos kalahating milyung pisong halaga ng mga iligal na paputok ang nakumpiska ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Bisperas at pagpasok ng Bagong Taon.
Ayon kay NCRPO acting Chief Police Brig. Gen. Debold Sinas, ang naturang resulta ay bahagi ng pinaigting nilang kampaniya na Oplan Iwas Paputok.
Karamihan sa mga nakumpiska nanggaling sa mga vendors sa Maynila at eastern part ng Metro Manila.
Nabatid na ang iba sa mga vendors ay pasimpleng nagbebenta ng paputok nang walang kaukulang permit.
Ilan sa mga paputok na kinumpiska ay pla-pla, whistle bomb, pop-up, lusis, piccolo, lolo thunder at sinturon ni Hudas.
Ipinagmalaki naman ni Sinas na ang tagumpay ng kanilang programang Ligtas Paskuhan 2019 ay dahil sa maigting na kampaniya ng mga otoridad at pagpapaalala sa publiko hinggil sa masamang dulot ng iligal na paputok.