NCRPO, itinangging may kinalaman sa teroristang ISIS ang pagsabog sa Quiapo, Maynila

  • Manila, Philippines – Iginiit ni National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde na walang ebidensiya na makakapagturo na ang teroristang ISIS ang nasa likod ng pagsabog sa Quiapo na ikinasugat ng 14 na indibidwal.

Kasunod ito ng ginawang pag-ako ng teroristang ISIS na sila ang responsable sa Quiapo blast.

Ayon kay Albayalde,kanilang iimbestigahan ang claim ng ISIS.


Sa interview ng RMN iginiit ng opisyal, paghihiganti ang motibo ng pagpapasabog kung saan dahil ito sa gang war.

Sa ngayon, may mga persons  of interest nang tinukoy ang pulisya kaugnay ng insidente.

Facebook Comments