NCRPO, kinatigan ng oposisyon sa pag-relieve sa mga pulis Caloocan

Manila, Philippines – Sa pambihirang pagkakataon ay pinuri ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano ang NCRPO sa pagtugon sa problema sa Caloocan police.

Ito ay matapos sibakin ang nasa 1,000 personnel ng PNP Caloocan dahil sa sunud-sunod na pagkakasangkot sa mga pagpatay sa mga menor de edad.

Ayon kay Alejano, welcome development ito dahil nagpapakita na ang PNP ay sensitibo sa mga maling gawain ng mga pulis.


Pero, hindi naman kumbinsido ang kongresista na may malaking pagbabago sa ginawang pagsibak sa mga pulis ng Caloocan.

Balewala aniya ang aksyon na ito ng gobyerno kung wala namang gagawing pagre-review at pagtatama sa rules of engagement at policies sa war on drugs.

Dagdag pa ni Alejano, magiging palabas lamang ito kung magpapatuloy pa rin ang pangaabuso sa hanay ng PNP.

Facebook Comments