Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na umabot sa 472 na mga pulis sa Metro Manila ang nasibak sa serbisyo kaugnay ng pagpapatupad ng internal cleansing.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Major Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ito ay indikasyon ng kanilang pinaigting na kampanya sa pagpapanatili ng integridad at propesyonalismo sa Philippine National Police (PNP).
Ibinahagi naman ni Nartatez na 12 mula sa mga nasibak ay may kaugnayan sa iligal na droga at ang iba ay may mga kasong Absence Without Leave o AWOL dahil sa hindi pagpasok ng 30 araw hanggang dalawang taon.
Aniya, humigit kumulang 2,500 ang bilang ng mga kasong may kaugnayan sa pulis ang naresolba na rin ng NCRPO kung saan kalahati rito ay abswelto at sa ngayon ay tuluy-tuloy pa rin ang pagresolba sa iba pang nakabinbing mga kaso.