NCRPO, kuntento sa latag ng seguridad sa harap ng mga rally ngayong Labor Day

Kuntento si NCRPO Director Guillermo Eleazar sa naging latag ng seguridad ng kapulisan ngayong Araw ng Paggawa.

Sa panayam ng media matapos ang serye ng inspeksyon sa Quezon City at Maynila, sinabi ni Eleazar na wala siyang nakitang problema sa pagiging alerto ng mga pulis.

Sapat aniya ang pwersa na ipinakalat nila at kayang tapatan ang dami ng mga nagra-rally.


Samantala, sinabi rin ng Director ng NCRPO na pinayagan na nila magkilos protesta ang ibang grupo kahit wala itong permit to rally basta maging maayos lamang ang kanilang demonstrasyon.

Sa ngayon, payapa pa naman at wala pang naitatalang kaguluhan ang NCRPO.

Facebook Comments