NCRPO, magde-deploy ng karagdagang personnel sa mga isasagawang 3 araw na rally sa Nobyembre 16 hanggang 18

Sa pulong pambalitaan na ginanap sa Kampo Krame sinabi ng Spokesperson ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Police Major Hazel Asilo na magde-deploy sila ng karagdagang personnel sa mga isasagawang 3 araw na rally sa susunod na linggo.

Nasa kabuuang 16,433 na libong personnel ang ide-deploy kung saan ang 8,641 dito ay mula mismo sa NCRPO at ang 7,792 ay augmentation mula sa ibang regional offices.

Bukod sa rally ng Iglesia ni Cristo na gaganapin sa Quirino Grandstand meron ding aabangan na isa pang rally ng United People’s Initiatives sa People Power Monument at Edsa Shrine.

Ayon kay Asilo, mayroon pa silang binabantayan na lokasyon na posibleng pagsagawaan din ng iba pang mga rally.

Patuloy naman ang isinasagawang koordinasyon ng NCRPO sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa monitoring at parking ng mga gagamiting sasakyan ng mga magsasagawa ng rally pati na rin ang re-routing para sa mga motorista.

Kaugnay nito, posible pang magbago ang nasabing bilang ng deployment depende sa mapag-uusapang final na koordinasyon.

Facebook Comments