NCRPO, magpapatupad ng ‘airtight security’ sa Traslacion ng Itim na Nazareno

97

Manila, Philippines – Magpapatupad ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng ‘airtight security’ kasabay ng Traslacion ng Poong Nazareno sa Quiapo, Maynila sa Miyerkules, January 9.

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar – nasa 7,200 strong police forces ang inatasan para tiyakin ang kaligtasan ng mga deboto at seguridad ng prusisyon.


Plantsado na rin ang coordination ng PNP sa militar at iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno kaya inaasahang ‘smooth-sailing’ ang Traslacion.

Aabot sa 2,000 sundalo ang makakatuwang ng Joint Task Force NCR.

Facebook Comments