NCRPO, magsasagawa ng career counseling at coaching seminar ngayong araw

37

Magsasagawa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ngayong araw ng virtual career counseling at coaching seminar.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Vicente Danao Jr., layunin nito na maabot ang mga publiko at matulungan silang magkaroon ng trabaho sa gitna ng umiiral na krisis pangkalusugan.

Ang sabing programa, sa tulong ng mga eksperto ay bibigyan ng ideya o gabay ang publiko kung anong trabaho ang umaayon sa kanilang interes na naaangkop ngayong panahon ng pandemya.


Magsilbi rin aniya itong pag-asa sa kanila at may panghahawakan upang muli ay bumangon, humakbang at magpatuloy sa hamon ng buhay.

Ang career counseling at coaching seminar ay kaugnay ng kanilang Programang Simula ng Isang Bagong Oportunidad sa Lipunan o SIBOL na naglalayong bigyan ng bagong pag-asa ang mga kababayang higit na nangangailangan sa buhay at labis na naapektuhan ng pandemya.

Facebook Comments