NCRPO, magtataas sa full alert status para sa Semana Santa

Magtataas ang National Capital Region Police Office o NCRPO ng full alert status para sa Semana Santa mula ika-14 hanggang ika-20 ng Abril.

Ayon kay NCRPO Director Major General Guillermo Eleazar, gaya ng mga nakalipas na taon magpapakalat sila ng mga pulis sa Metro Manila para sa kapayapaan at kaayusan.

Pero hindi aniya ikakalat sa mga lansanagan ang lahat ng mga pulis.


Aniya, ang iba ay kailangan pa ring tutukan ang anti-crime campaign.

Sa ilalim ng full alert status, kanselado ang leave of absence ng mga pulis.

Facebook Comments