NCRPO, mananatiling nakaalerto para sa ASEAN Summit

26

Manila, Philippines – Tiniyakng National Capital Region Police Office na mananatili pa rin sa full alertstatus ang kanilang hanay kahit na tapos na ang Semana Santa.
 
Ayon kay NCRPO Dir.Oscar Albalayde, hindi sila magbababa ang alerto bilang paghahanda sa mgapulong ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit.
 
 
Ang sampung head of statesay darating sa bansa sa Abril 27 at 28 kung saan magkakaroon sila ng meeting saAbril 29 sa PICC.
 
Magkakaroon din sila ngdalawang oras na retreat sa coconut palace bago ang gala dinner sa Sofitelhotel bago umalis ng bansa kinabukasan.

Facebook Comments