NCRPO, may 14 na bagong kaso ng COVID-19

Kinumpirma ng National Capital Region Police Office o NCRPO na mayroon itong bagong 14 na personnel na positibo sa Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19, kung saan umabot na ang kabuuan bilang nito sa 47.

Ayon kay NCRPO Director Debold Sinas ang nasabing bilang ay mula sa 320 frontliners ng Quezon City Police District o QCDP na sumailalim ng nasopharyngeal swabbing noong April 25.

Kahapon naman aniya lumabas ang resulta ng nasabing test kung saan apat na police commissioned officers at 10 police non-commissioned officers ang nagpositibo sa COVID-19.


Agad naman aniya dinala ang 14 na police personnel na positibo sa virus sa Hinirang Hall, QCPD upang sumailalim sa 14-day quarantine at mabigyan ng tamang medical assistance.

Ipinagutos na rin ni Sinas na makipag-ugnayan sa mga kaanak o pamilya nito upang sumailalim din sa quarantine at ma-monitor ang kanilang kalusugan ng Regional and District Health Service.

Facebook Comments