NCRPO, may apela sa publiko kaugnay ng presensya ng Maute Group sa Metro Manila

58

Manila, Philippines – Nanawagan sa publiko ang National Capital Region Police Office na maging alerto sa harap ng pagpasok sa Metro Manila ng Maute Group.

 

Ayon kay NCRPO Chief,Police Director Oscar Albayalde, mahalaga ang vigilance ng mamamayan habang hinahabol ng mga otoridad ang mga terorista.

 

Sa ganitong paraan aniya, mapapadali ang paglaban nila sa terorismo.

 

Sa kabilang dako, pinuri ni Albayalde ang kontribusyon ng publiko sa pagkaka-aresto sa ilang miyembro ng Maute Group sa Metro Manila at ang pagkakakumpiska sa kanila ng improvised explosive devices at mga armas.




Facebook Comments