NCRPO, may hamon sa mga bagong pasok na pulis, CAAP, patuloy na inaalam ang detalye sa bumagsak na eroplano sa Calamba City, Laguna

Hinamon ni National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar ang nasa tatlongg daang bagong pulis na magsilbi sa publiko na may dangal, hustisya at katapatan.

 

Sisimulan ng mga nasabing pulis ang kanilang pormal na training o pagsasanay matapos sumailalim sa physical, medical, dental at neuro psychiatric test.

 

Nabatid na makaraan ang ilang taon, tinanghal din bilang bilang best regional police ang NCRPO kasunod ng pagbaba ng bilang ng krimen na naitatala sa Metro Manila sa ilalim ng pamumuno ni Eleazar.


 

Samantala, inaalam pa ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP kung ang isang medical evacuation aircraft na nawala sa kanilang radar ang siyang bumagsak na eroplano sa may bahagi ng Pansol, Calamba City, Laguna pasado alas-3:00 mg hapon kanina.

 

Patuloy din inaalam kung may nasaktan o masawi sa insidente kung saan nagkalat din ang mga debris ng eroplano sa paligid ng mga resort.

Facebook Comments