NCRPO: Mga bagong recruit na pulis pinagbawalan pumasok sa pautang o lending

Giniit ni National Capital Region Police Office o NCRPO Director Police Major General Debold Sinas na ipagbabawal na niya ang mga lending company sa mga bagong recruit na mga pulis.

Aniya, hindi nila tinuturuan ang kanilang bagong mga pulis na mangutang, bagkus naging matipid at marunong humawak ng pera.

Dahil aniya kung ang pulis ay nalulubog na sa utang at wala ng pera, ay nagiging dahilan para pumasok sa mga iligal na pagkakakitaan.


Kaya naman muli nilang ipatutupad ang frugal system, na kung saan pati mga pamilya ng mga police trainees ay kasamang kakausapin para turuan din maging matipid.

Titingnan aniya ang mga pay-slip ng mga police trainees kung mayroon na silang binabayarang mga utang o loan.

Pinagmalaki naman niya na noong nakaraang taon walang nakapasok na mga lending companies sa mga bagong recruit na pulis.

Kaya sanabi nito karamihan sa kanila na ay mayroong 100,000 thousand sa savings.

Facebook Comments