NCRPO, muling hinihikayat ang mga hepe ng pulisya na lumabas at mag-ikot sa kanilang nasasakupan

Hinihikayat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang lahat ng mga chief of police sa Metro Manila na lumabas at mag-ikot sa kanilang mga nasasakupan.

Maging ang mga station commander ay hinihimok din na lumabas ng kanilang opisina at maglibot sa kanilang area of responsibility.

Ito’y upang magkaroon sila ng pagkakataon na magkaroon ng magandang ugnayan sa mga komunindad.


Pagkakataon na rin ito ng mga hepe at station commanders upang makausap nila ang mga mamamayan at malaman rin ang kanilang mga hinaing upang magawan ng solusyon.

Sinabi pa ni Nartatez, maiging magkaroon sila ng oras na makaharap ang publiko at huwag lamang tumambay sa opisina.

Bukod dito, maigi rin na magkaroon ng mga programa at proyekto ang bawat district at mga police station upang makuha nila ang tiwala ng taumbayan.

Dagdag pa ng NCRPO chief, sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ay magiging kasangga o kaibigan nila ang publiko at sila rin amg makakatulong upang mabawaan ang krimen.

Facebook Comments