Manila, Philippines – Isang araw bago ang Pista ng Poong itim na Nazareno.
Muling nanawagan ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga deboto na makipagtulungan sa kanila kasabay ng Pista ng Poong Itim na Nazareno.
Bukod sa pagsunod sa mga ipinagbabawal sa pista tulad ng alak, droga at patalim sinabi ni NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar na malaking tulong din ang mga impormasyon na maibibigay ng mga deboto para masiguro ang seguridad sa prusisyon.
Ayon kay Eleazar, higit sa 7,000 pulis ang magbabantay sa nasabing aktibidad na maaring lapitan kung sakali mang may mapansin na kahina-hinalang kilos o bagay.
Nito lamang isiniwalat ni Manila Mayor Joseph Estrada na may natanggap siyang impormasyon na may balak umanong umatake na terosistang grupo sa Traslacion.
Sinabi naman ng PNP na bagaman wala silang natatanggap na ganong impormasyon ay hindi nila isinasawalang bahala ang lahat ng impormasyon na may kaugnayan sa terorista saan man sa bansa.