Tuesday, February 24, 2026

NCRPO, nag-deploy ng karagdagang tauhan sa Maynila para sa anibersaryo ng People Power Revolution

Isang batalyon ng pulis mula Camp Bagong Diwa ang ipinadala ng NCRPO sa lungsod ng Maynila.

Ito ay para magbigay dagdag seguridad sa inaasahang mga pagkilos ng iba’t ibang grupo kasabay ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Kabilang sa mga ipinadalang mga pulis ay nagmula pa sa mga kalapit na lalawigan na magbabantay sa posibleng kilos-protesta sa ilang bahagi ng Maynila lalo na sa Mendiola.

Muli naman tiniyak ng MPD na paiiralin ang maximum tolerance sa mga gagawing protesta bilang paggalang sa kalayaan sa pagpapahayag at karapatan pantao.

Pero muling iginiit ng MPD na kung may masasangkot sa mga paglabag at karahasan ay ipatutupad nila ang naaayon sa batas.

Facebook Comments