NCRPO, nag-inspeksyon sa transport terminals

Manila, Philippines – Ilang araw bago ang Pasko, nag-inspeksyon sa Araneta Bus Terminal at Ninoy Aquino International Airport si National Capital Region Police Office Director Guillermo Eleazar.

Ito ay bilang bahagi ng ligtas Paskuhan 2018 program ng Philippine National Police (PNP).

Partikular niyang inispeksyon ang seguridad na ipinatutupad sa mga terminal at lagay ng mga pasahero.


Ayon kay Eleazar, magdadagdag sila ng 50 pulis sa Araneta Bus Terminal para mas matutukan ang seguridad ng mga pasahero.

Una naman ng sinabi ng PNP na halos 8,000 pulis ang ipinakalat sa mga paliparan, terminal ng bus, simbahan, pantalan, sa mga mall at sa iba pang matataong lugar para magbigay seguridad ngayong holiday season.

Facebook Comments