NCRPO, nag-taas sa full alert status matapos ang Jolo Cathedral bombing

Itinaas ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa full alert ang kanilang status upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa buong Metro Manila.

Ito ang inihayag ni NCRPO Director General Guillemor Eleazar matapos ang nangyaring magkasunod na pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Eleazar, nagdesisyon siyang itaas sa full alert ang status upang masiguro ang seguridad at hindi ito mangyari sa Metro Manila.


Bukod dito, kinansela na din ng opisyal ang bawat leave ng mga pulis at nagdagdag na din sila ng dagdag na tauhan upang mapaigting ang pagbabantay.

Nanawagan naman si Eleazar sa publiko na habaan ang pasensiya sa gagawin nilang protocol sa ikinakasang checkpoint sa ilang lugar kung saan kapakanan ng bawat isa ang kanilang iniintindi.

Facebook Comments