Nagbabala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga mahuhuling gumagamit ng Vape sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay NCRPO Chief, Brig/Gen. Debold Sinas, huwag na lang pumalag kundi kakaladkarin ang mga ito patungong presinto.
Iginiit din ni Sinas na dapat sundin ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit walang legal na basehan.
Kaya tuloy ang pagsita at pag-imbita nila sa presinto at pagkumpiska sa mga paraphernalia.
Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Duterte na ipagbawal ang paggamit ng Vape at E-Cigarettes sa mga pampublikong lugar, lalo na ang pagpapatigil ng importasyon nito.
Facebook Comments